PATULOY ang imbestigasyon ng awtoridad kung sino ang nasa likod ng grenade explosion na nagresulta sa pagkasawi ng isang binata sa Barangay 9, Malaybalay City, Bukidnon.
Kinilala ang biktima na si Mobahar Darangina, 19-anyos, residente sa nasabing syudad.
Sinabi ni PO1 Robert Pagulon ng Malaybalay City Police Station na naglalakad lamang ang biktima nang biglang may sumabog na granada.
Agad dinala sa ospital ang biktima subalit makalipas ang ilang oras ay binawian din ng buhay.
Dinala na rin ang bangkay ng biktima sa siyudad ng Marawi upang doon ilibing.
Wala pang maihayag ang pulisya na posibleng motibo at kung sino ang nasa likod ng grenade explosion.
The post Binata gutay sa grenade explosion sa Bukidnon appeared first on Remate.