PATAY ang isang lolo matapos pagtatagain ng kanyang pamangkin sa Bgy. Agcata Lagonoy, Camarines Sur.
Kinilala ang biktimang si Damian Olivares, 72, ng nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang kanyang pamangkin na si Cesar Olivares, 59.
Bunsod nito, bumunot ng itak ang biktima at walang habas na pinagtataga ang kanyang tiyuhin.
Nagtamo ng maraming tama sa katawan ang naturang biktima, kanyang agad na ikinamatay.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP-Lagonoy ang suspek na nahaharap sa kasong murder.
The post 72-anyos na lolo kinatay ng naasar na pamangkin appeared first on Remate.