TODAS na nang matagpuan ang isang ginang at tatlo niyang anak sa Japan makaraang tumalon mula sa isang apartment complex sa Chiba.
Ayon sa pulisya, natagpuan ang katawan ng ina sa lupa habang ang mga labi ng kanyang anak na pito at dalawang taon gulang ay nasa itaas ng bubong.
Ang katawan naman ng isa pang biktima na dalawang taong gulang ay natagpuang nakasabit sa sanga ng isang puno.
Isa sa iniimbestigahan ng pulisya na motibo ay forced suicide.
The post Gusali tinalon ng ginang bitbit ang 3 anak, todas appeared first on Remate.