PITONG katao ang kumpirmadong patay dahil sa Ebola virus sa Liberia.
Ayon kay Deputy Health Minister Tolbert Nyenswah, aabot na ngayon sa 16 ang namatay sa West African country dahil sa nasabing sakit.
Lahat ng mga biktima ay kumpirmadong nagpositibo sa virus na Ebola.
Nangangamba naman ang opisyal na maaari pang dumami ang biktima dahil sa dumadami rin ang nakakaramdan sa sintomas ng nito kabilang na ang pagdudugo at mataas na lagnat.
Patuloy din itong kumakalat sa karatig lugar na Guinea at Sierra Leone.
The post 7 patay sa Ebola virus sa Liberia appeared first on Remate.