HINDI lang isa kundi tatlong kalibre ng baril ang ipinutok ng apat katao kabilang ang isang babae para patayin ang isang FX taxi driver sa Quezon City nitong Martes ng madaling-araw, Hunyo 17.
Naisugod pa sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na si Johnny Merdegia, 60, ng San Bartolome St., Barangay Commonwealth, QC.
Nangangapa naman ang mga tauhan ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung sino ang mga salarin pero isa naman sa sinisilip na motibo sa pagpatay kay Merdegia ay personal grudge.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:05 nitong Martes ng madaling-araw sa mismong bahay ng biktima.
Bago ito, palabas na ng kanyang bahay ang biktima para mamasada nang sumulpot ang mga salarin at saka pinagbabaril si Merdegia.
Ayon sa mga nakasaksi, tatlong hindi nakikilalang kalalakihan na nakasuot ng bull cap at isang babae na nakatakip ang mukha ng panyo ang mga suspek sa krimen, ayon kay Chief Inspector Rodel Marcelo, CIDU chief.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), narekober sa crime scene ang 14 piraso ng basyo ng bala, kabilang ang 2 bala ng kalibre 45, anim na basyo ng bala ng magnum cal. 22; dalawang basyo ng cal. 380; limang tingga ng cal. 45; dalawang tingga ng cal. 380; dalawang tingga ng cal. 22; at mga depormadong bala.
The post FX driver, niratrat sa QC tigbak appeared first on Remate.