Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

19 babae nailigtas ng NBI sa bar sa Pasay

$
0
0

UMABOT sa 19 babae ang nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang KTV bar sa Pasay City, Miyerkules ng madaling-araw.

Ilan sa mga babaeng nasagip ng awtoridad ay pawang mga biktima ng lindol sa Bohol at Bagyong Yolanda na sinubukang makipagsapalaran sa Kamaynilaan.

Sinalakay ng anti-human trafficking division ng ahensya ang Volcano KTV sa Taft Avenue extension matapos makatanggap ng impormasyon na may menor-de-edad na biktima ng human trafficking sa lugar.

Ilan sa mga babae ay nadatnan sa kuwartong tinatawag na “aquarium” kung saan pumpili ang mga parokyano ng kababaihan.

Tumanggi naman ang kababaihan na may nangyayaring prostitusyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa anti-human trafficking ang may-ari at mga bugaw ng KTV bar.

Inaalam na rin ng NBI kung may mga menor-de-edad sa mga nasagip na pansamantala namang mananatili sa shelter ng ahensya.

The post 19 babae nailigtas ng NBI sa bar sa Pasay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>