INUGA ng 4.1 magnitude na lindol ang Cagayan kaninang umaga, Hunyo 18, 2014, Miyerkules.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig sa kanluran ng Calayan, Cagayan dakong 9:54 ng umaga.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 028 kilometro.
Kaugnay nito, naitala naman ang 3.4 magnitude na lindol sa kanluran ng Burgos, Surigao del Norte dakong 12:58 ng madaling-araw.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 008.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol.
The post Cagayan inuga ng 4.1 magnitude na lindol appeared first on Remate.