TODAS ang isang binatilyo na bibili ng kape kasama ang ina matapos pagbabarilin ng bayaw na sekyu na nakasuntukan ng una sa Caloocan City, Martes ng gabi, Hunyo 17.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Lermo Vargas, 14, ng Barangay 33 ng lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis si Jobert Apolto, nasa hustong gulang at kalugar ng biktima.
Base sa ulat, alas-8 ng gabi, kasama ng biktima ang kanyang nanay upang bumili ng kape sa kalapit na tindahan nang sumulpot ang suspek at walang salitang pinagbabaril ang biktima bago tumakas.
Lumalabas na nagalit ang suspek nang talunin siya ng biktima sa suntukan dahilan upang gumanti ito.
The post Binatilyo tinodas ng bayaw sa harap ng ina appeared first on Remate.