ISA ang patay at dalawa ang sugatan matapos tamaan ng kidlat kasabay sa pagbuhos ng malakas na ulan sa Ilocos Sur.
Ayon kay Police Chief Inspector Simon Damolkis ng PNP-Sta. Cruz, nangyari ang insidente sa Bgy. Lantag, Sta. Cruz.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Bonifacio Fabro, Jr., 23, habang ang dalawang kasamahang nakaligtas ay sina Ramsey Fabro, 26, at Carlo Magno, 24.
Lumalabas sa imbestigasyon na habang nagtatanim ng palay ang tatlong biktima ay bumuhos ang malakas na ulan at tumama ang kidlat.
Dinala sa Ilocos Training Medical Center sa La Union ang dalawang sugatan para malapatan ng lunas ang mga tinamong sugat.
The post 1 patay, 2 sugatan sa kidlat sa Ilocos Sur appeared first on Remate.