PATAY ang isang kelot nang pagbabarilin sa harap ng ka-live-in nito ng hindi pa nakikilalang maskaradong suspek, Miyerkules ng gabi sa Bgy. San Roque, Navotas City.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Christopher Ocampo, 40, ng 531 Capricorn St., ng nasabing barangay sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45 sa panga at sa katawan.
Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin na nakasuot ng helmet habang bitbit ang ginamit na baril.
Sa pinagsanib na imbestigasyon nina P03 Allan Ogtia at P02 Exequiel Sanco, alas-10:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Cabrera St., Bgy. San Roque.
Ayon sa pahayag ni Carla Manalsay, 34, live-in partner ng nasawi, naglalakad sila sa nasabing lugar nang harangin ng lalaking naka-helmet at tinarget ang kanyang kasama.
Inaalam na ang motibo sa krimen.
The post Kelot itinumba sa harapan ng ka-live-in appeared first on Remate.