KALABOSO ang lalaking nagpanggap na pulis upang takutin ang vendor na pinagsanlaan ng cellphone ng kaibigan ng una upang mabawi ng libre sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Hunyo 18.
Nahaharap sa kasong usurpation of authority si Exequiel Samin, 38, ng Heroes del 96, nasabing lungsod.
Sa pahayag ng biktimang si Virginia Paras, 61, alas-11 ng gabi nang puntahan siya ng suspek na naka-uniporme ng pulis sa kanyang puwesto sa Monumento at pilit binabawi ang isinanlang cellphone ng kaibigang babae ni Samin kamakailan sa hindi na nabatid na halaga.
Dahil walang perang pangtubos na ibinibigay ang suspek ay hindi pumayag ang biktima at umalis sa kanyang puwesto upang humingi ng tulong sa mga pulis.
Nakatunog ang suspek at sinabayan ng alis subalit nahabol ng mga totoong pulis at agad na dinala sa presinto ang una.
The post ‘Parak’ na nanindak ng vendor arestado appeared first on Remate.