Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lover’s quarrel: Kelot sinumpak ang sarili, tigok

$
0
0

NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagsumpak sa sarili matapos makaaway ang nobya sa Pandacan, Maynila, Lunes ng gabi.

Hindi na umabot pa nang buhay sa Sta. Ana Hospital si Arlhie De La Cruz, ng Carlos St., East Zamora, Pandacan.

Sa report ni SPO1 Ramir Dimagiba ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kuwarto ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Ayon kay Dimagiba, nagawa pa ng biktima na i-text ang mga kaibigan nitong sina Kajeill Bautista at Kenneth Magada para dalhin siya sa pagamutan.

Ngunit pagdating sa bahay ng biktima ay nakasarado ang pintuan ng kuwarto nito kaya minabuti nila na sa bintana na lamang dumaan at doon nakita ang biktima na duguan, nakadapa at may malaking butas sa dibdib.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakipag-inuman pa umano ang biktima kina Bautista at Magada at ikinuwento nito na nagkaroon sila ng pag-aaway ng nobya at nagbanta na umano itong magpapakamatay.

Nabatid na bago bawian ng buhay, pinakiusapan pa ng biktima ang dalawang kaibigan na huwag pabayaan ang kanyang kapatid hanggang sa nalagutan na ng hininga.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>