MALUBHANG nasugatan ang isang driver nang maipit sa minamanehong dump truck matapos sumalpok sa isang poste sa bahagi ng Araneta Avenue sa Quezon City, kaninang madaling-araw.
Partikular na naipit ng bakal ang ibabang bahagi ng katawan ng driver, at hirap pang maialis ng rescue team sa loob ng naturang dump truck.
Isinugod naman sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMC) ang dalawang pahinante nito na nagtamo rin ng ilang pinsala sa katawan.
Hindi pa makausap nang matino ang dalawang pahinante maging ang driver kaugnay ng insidente pero nasa mabuting lagay na ang mga ito.
The post Trak sumalpok sa poste sa QC, 3 sugatan appeared first on Remate.