INAASAHANG lalakas pa ang Southeast monsoon o habagat at patuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA forecaster Gener Quitlong, maliban sa habagat, dalawang namumuong sama ng panahon din ang maaaring makaapekto sa hilaga at silangang bahagi ng Pilipinas sa mga susunod na araw.
Ang unang low pressure area (LPA) ay namataan sa Batanes Island, habang ang ikalawa ay nasa Silangan ng Mindanao na posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa loob ng susunod na 24-oras.
Sa ngayon, pareho pang mahina ang dalawang LPA ngunit nananatili ang posibilidad na maging bagyo ang mga ito.
The post 2 LPA, namataan sa labas ng PAR appeared first on Remate.