AABOT sa 11 ang namatay sa Bulgarian coastal city, Varna, dahil sa malawakang flashflood at mudslides.
Ilan sa mga biktima ay bata at marami pang nawawala dahil sa nasabing kalamidad.
Ang pagbaha na nagdulot ng flashflood at mudslide ay nag-umpisa noon pang Huwebes kung saan naging ilog ang mga kalsada.
Lubha namang naapektuhan ang distrito ng Asparuhovo, kung saan karamihan sa mga lansangan ay impassable.
Dahil dito, idineklara na ng gobyerno ng Bulgaria ang emergency situation sa nasabing rehiyon.
The post Bulgaria : 11 patay sa flashflood, mudslide appeared first on Remate.