Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

ComVal encounter: 1 sundalo patay, 2 sugatan

$
0
0

TATLONG magkasunod na sagupaan ang nangyari sa Compostela Valley Province ngayong araw, na ikinamatay at ikinasugat ng ilang miyembro ng militar.

Nakilala ang mga sugatang sina Private First Class (PFC) Dennis Andorino at PFC Rigor Pangilinan na nasa Camp Panacan Military Hospital, habang ang namatay na sundalo ay si Private Richard Agravio.

Ayon pa kay Lt. Col. Norman Zuniega, commander ng 10th Civil Military Operation (CMO) Battalion, nangyari ang sagupaan sa San Isidro, at Casoon kung saan naka-recover ng isang AK-47 na naiwan ng mga rebeldeng NPA.

Binigyang linaw din ni Col. Zuniega na sa nangyaring engkwentro sa San Isidro, sugatan ang tatlong mga miyembro ng 101st Brigade, habang nakikipagsagupaan naman ang mga sundalo na miyembro naman nga 25th IB Philippine Army sa dalawang lugar sa Casoon, Monkayo, ComVal Province na nakarekober ng AK-47 na armas.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang manhunt operation ng militar laban sa mga rebelde.

The post ComVal encounter: 1 sundalo patay, 2 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>