INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng Bureau of Fire ang naging sanhi ng sunog na tumupok sa P50 milyong halaga ng ari-arian sa hardware sa loob ng Alabang Public Market sa Muntinlupa, kagabi.
Batay sa ulat natupok ang ikalawang palapag ng RC San Gabriel Hardware na ginagawang imbakan ng mga pintura.
Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog sa hardware na katabi lamang ng tanggapan ng mga namumuno sa palengke.
Gumamit din ng fire-fighting foam ang mga bumbero agad na maapula ang apoy.
Bandang alas-11:40 ng gabi nang ideklarang naapula na ang apoy.
Palaisipan naman sa may-aring si Jose Curay kung saan nanggaling ang sunog gayong wala namang tao nang sumiklab ang sunog at patay din ang switch ng mga ilaw.
Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga bumbero ang pinagmulan ng sunog na tumagal lamang ng 40 minuto, wala naman napaulat na namatay o nasaktan sa kaganapan.
The post Hardware sa Alabang Public Market, nasunog appeared first on Remate.