SINAMPAHAN ngayon sa dalawang kasong kriminal ang isang pastor sa Daet, Camarines Norte dahil sa kasong panggagahasa at kidnapping sa Sitio Daang Bakal, Antipolo City.
Ang suspek na kinilalalng si Jose Sumbillo, 44, ng Sitio Daang Bakal, Antipolo City ay naaresto ng mga tauhan ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ng Camp Crame, Quezon City.
Ayon sa mga menor de edad na biktima na ‘di pinangalanan, buwan ng Mayo ngayong taon nang kunin sila ng suspek nang sapilitan sa kanilang mga bahay sa Sitio Daang Bakal, Antipolo City at dinala sa bayan ng Daet.
Makalipas ang isang buwan, nakatanggap ang pamilya ng mga biktima ng mensahe mula kay Sumbillo at humihingi ng ransom.
Dito na nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad at nahuli ang suspek sa isang money remittance center na planong kunin ang ipinadalang ransom.
Sa ngayon, nasa kustodiya muna ng DSWD ang mga biktima habang ang suspek naman ay pansamantalang nananatili sa Daet Municipal Police Station.
The post Pastor na rapist ng 2 menor, timbog appeared first on Remate.