Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Misis dedbol sa taga ni mister

$
0
0

PATAY ang isang misis matapos pagsasaksakin at mapatay ng mismong asawa nito sa Port Area, Maynila.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Monica Pianar Banez, 56, ng Baseco Compound, Port Area, Manila.

Naaresto naman ang suspek na si Arsenio Banez, 56.

Sa report, naganap ang insidente sa bahay ng mag-asawa alas-5:30 ng hapon kahapon.

Nagtamo ng isang tama ng saksak sa tagiliran ang biktima na sanhi ng kanyang kamatayan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang ng suspek sa kanyang misis.

The post Misis dedbol sa taga ni mister appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>