NAGBIGTI ang 16-anyos na binatilyo sa loob ng kanilang tahanan sa Bgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City kaninang madaling-araw, Hunyo 23, 2014.
Kinilala ang biktima na si Jefferson Taparan, 4th year high school student, ng 758 Area 6, Sitio Cabuyao, Bgy. Sauyo, Novaliches, QC.
Nabatid na nakita na lamang ang biktima na nakabitin sa loob ng kanilang bahay habang nakatali ng kumot sa leeg sa 758 Area 6, Sitio Cabuyao, alas-6:15 ng gabi.
Sinabi ng kapatid ng biktima na si Jharyn Taparan na kagagaling lamang niya sa trabaho nang makita ang biktima na nakabitin sa haligi ng kanilang bahay.
Nakuha naman sa text message ng biktima ang mensahe nito na “Patawarin n’yo ako sa gagawin ko. Mahal na mahal ko kayong lahat, alagaan mo si mama at papa”.
Inalis naman ng mga pulis ang anggulong may foul play sa pagpapakamatay ng biktima.
The post 16-anyos estudyante nagbigti sa QC appeared first on Remate.