PATAY ang isang binata matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Matnog, Ivisan sa Capiz.
Nagtamo ang biktimang si Ariel Abarra, ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Ayon kay Barangay Kapitan Rico delos Santos, isang residente ang nagpaabot ng impormasyon na may naamoy siyang hindi kanais-nais sa bahay ng biktima.
Dahil dito, pinuntahan nila ang bahay ni Abarra at nadatnan itong wala ng buhay at maraming sugat sa katawan.
Aminado si Delos Santos na maraming nakaaway ang biktima na kanyang mga kaanak dahil sa pananim.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
The post Kelot tinadtad ng bala sa sariling bahay appeared first on Remate.