AABOT sa P637.8 milyon halaga ng iligal na droga ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lalawigan ng Cavite kaninang umaga, Hunyo 25, Miyerkules.
Kabilang sa mga sinira ang may kabuuang 386,080.5 grams (386.08 kilograms) ng iba’t ibang piraso ng drug evidence na kinabibilangan ng shabu, ephedrine, cocaine, marijuana, ecstasy, valium, oxycodone at expired na gamot.
Sumaksi sa pagsira ang mga opisyal ng PDEA at iba pang law enforcement agencies mula sa Department of Justice (DoJ), Dangerous Drugs Board (DDB), Public Attorney’s Office, Non-Government Organization (NGOs) at mga mamamahayag at ang guest of honor sa naturang aktibidad ay si Undersecretary Jose Marlowe Pedregosa ng DDB.
Isinagawa ang pagsira sa Integrated Waste Management, Inc.(IWMI), Barangay Aguado, Trece Martirez City, Cavite.
“These are part of the illegal drugs that were seized during operations conducted by PDEA combined with those turned over by other partner drug law enforcement agencies that are no longer needed as evidence in court,” ani PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.
Ayon sa PDEA Laboratory Service, ang ephedrine ang isa sa pangunahing component sa paggawa ng shabu, na may 62.6 percent na dami ng porsyento o P399.16 milyon at shabu na binubuo ng 36.5 percent o P232.74 milyon na may kabuuang halaga ng iligal na droga na sinira ng ahensya.
Ang pagsira sa mga naturang mga droga ay bilang pagtalima sa kailangan ng Republic Act 9165 o mas kilala sa the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No.1 series of 2002.
The post P637.8 milyon shabu sinunog ng PDEA appeared first on Remate.