BINABANTAYAN ngayon ang isang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng bansa na inaasahan magiging bagyo sa susunod na tatlong araw kung patuloy na lalakas.
Huling namataan ang LPA sa layong 700 kilometro silangan ng Northern Mindanao at nakapaloob din ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakaaapekto sa malaking bahagi ng Mindanao.
Kapag naging ganap na sama ng panahon ay tatawagin itong tropical depression Florita na magiging ikaanim na bagyo para sa taong 2014.
Inaasahang patuloy nitong palalakasin ang hanging habagat kapag tuluyan nang nakalapit sa kalupaan ng bansa.
The post LPA sa Silangan ng Mindanao, magiging bagyo – PAGASA appeared first on Remate.