SABOG ang ulo ng isang retiradong guro nang barilin ng naka-bonnet na suspek habang naglalaro ng tong-its sa Quezon, nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 27.
Dead-on-the-spot sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang si Antonio Pagdangan, 58, ng Barangay Masalukot, Candelaria, Quezon.
Wala namang nakakilala sa nag-iisang salarin dahil sa suot nitong bonnet at mabilis na sakay ng isang walang plakang motorsiklo.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9 nitong Huwebes ng gabi sa bahay ng isa sa ka-tong-its nito na hindi nakuha ang pangalan.
Bago ito, naglalaro ng tong-its ang biktima na kilala rin sa tawag na “Maestro”, kasama ang dalawa pang kaibigan.
Sa gitna ng paglalaro, biglang sumulpot sa likuran ng biktima ang suspek at agad binoga sa likurang bahagi ng ulo si Pagdangan.
Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang salarin pero isa sa mga siisilip na motibo sa pagpatay ay maaring may kinalaman umano sa pagiging operator nito ng video karera sa ikalawang distrito ng Quezon.
The post Habang nagtotong-its, ex-titser sabog ang ulo appeared first on Remate.