Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Samar binayo ng ipo-ipo, 500 inilikas, 3 sugatan

$
0
0

NASA evacuation center sa Calbayog, Samar ang nagsisiksikan na mahigit sa 500 mga residente matapos wasakin ng ipo-ipo ang 85 mga kabahayan sa lugar.

Batay sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, tumama ang ipo-ipo sa Baranggay Binaliw kung saan 28 kabahayan ang labis na nasira samantalang nasa 57 naman ang partially damaged.

Tatlo ang naitalang sugatan at isa naman ang isinugod sa hospital.

Ang Brgy. Binaliw ay may layong 21 kilometro mula sa city proper at nasa baybaying bahagi ng dagat.

Ayon sa pulisya at sa pahayag na rin ng mga nakaligtas, naging mabilis ang pangyayari nang bigla na lang may malakas na hangin ang bumayo sa kanilang kabahayan.

Naramdaman muna ang malakas na pag-ulan sa lugar dahilan upang bahain ang lungsod at suspendihin ang klase sa lahat ng antas.

The post Samar binayo ng ipo-ipo, 500 inilikas, 3 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>