HAWAK pa hanggang ngayon ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa bulubunduking bahagi ng Sulu ang hindi bababa sa 10 mga bihag.
Ito ang kinumpirma ng militar na karamihan sa mga kidnap victim ay mga banyaga na dinukot sa magkakahiwalay na lugar na sakop ng ARMM at Zamboanga peninsula.
Ayon kay Wesmincom Commander Lt. General Rustico Guerrero, kabilang sa mga bihag pa ng Abu Sayyaf ay ang mga dayuhang birdwatcher na sina Ewold Horn ng Holland at Lorenzo Vinciguerra mula sa Switzerland na puwersahang dinukot sa Tawi-Tawi.
Samantala, maliban sa Sulu, may ilan din sa mga kidnap victim ang napaulat na hinahawakan ng ibang grupo ng ASG sa bulubunduking bahagi naman ng Basilan.
The post Higit 10 bihag, hawak pa ng Abu Sayyaf appeared first on Remate.