SINIBAK na sa puwesto bilang hepe ng San Juan City PNP si Senior Superintendent Joselito Daniel matapos ang sinasabing pagsablay nito sa paghawak sa hostage taking ng security guard sa isang abogado noong Martes.
Ayon mismo kay Daniel, ang pagsibak sa kanya ay upang bigyang-daan ang imbestigasyon ng Eastern Police District (EPD) upang malaman kung posibleng nagkulang o nagkamali ang pulisya na humantong sa kamatayan ni Atty. Solomon Condenuevo matapos mabihag ng halos 10-oras ng guwardiyang kinilalang si Charliemagne Aton.
Kumpiyansa naman si Daniel na ginawa nila ang lahat upang maresolba ang naturang hostage taking incident.
The post Chief of police ng San Juan PNP, sinibak appeared first on Remate.