ISANG hinihinalang salvage victim na nakasilid sa isang balikbayan box ang natagpuan ng mga otoridad sa Brgy. Sto Domingo, Quezon City kagabi, Hunyo 29, Linggo.
Inilarawan ang biktima na tinatayang nasa 40 hanggang 45-anyos, kayumanggi ang balat, may tattoo sa likod na pangalang Cheolo Villarin at dragon sa kaliwang balikat at may saksak sa mukha.
Ayon kay PO3 Noel Bautista ng Quezon City Police District station 1 -Laloma, natagpuan ang bangkay ng biktima sa harap ng bahay sa no. 25 Tirad Paz cor. Biak Na Bato, Brgy. Sto Domingo, QC dakong 10:00 kagabi.
Sinabi ni PO3 Bautista na kasalukuyan nagpapatrulya ang Barangay Police Security Officer (BPSO) na si Alfredo Pineda ng Brgy. Sto. Domingo sa naturang lugar nang mapansin nito ang balikbayan box sa lugar.
Nang usisain nito ang laman ng naturang kahon nagulat ito na isang patay na tao ang nakalagay sa loob nito.
Agad itinawag sa mga otoridad ang nakitang bangkay at isinailalim sa awtopsiya ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Quezon City Police District.
The post Salvage victim isinilid sa balikbayan box sa QC appeared first on Remate.