ISLAMABAD, PAKISTAN – Nalitson nang buhay ang isang dalaga sa Punjab sa Pakistan, nang silaban ng lalaking kanyang tinanggihang pakasalan.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima na si Sidra Shaukat, 18, pero namatay din sanhi ng third degree burn sa ulo at sa buong katawan.
Natiklo naman agad ng pulisya at ngayon ay nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek na si Fayyaz Aslam, 22.
Ayon sa awtoridad, bago ang insidente ay mag-isa sa kanilang bahay ang biktima nang pumasok ang suspek.
Dinamba muna bago sinabuyan ng gasolina ang buong katawan ng biktima bago sinilaban ng may sinding palito ng posporo.
Nabatid na mahal na mahal ng suspek si Shaukat at inalok ito ng kasal subalit tumanggi ang mga magulang ng biktima.
Para kapwa walang makinabang, ikinasa ng suspek ang pagsunog ng buhay sa biktima.
The post Dalaga sinilaban ng lalaking tinanggihan ng kasal appeared first on Remate.