Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 nagpakilalang engineer ng Smartmatic, tiklo

$
0
0

NAKORNER ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang nagpakilalang engineer ng Smartmatic sa isinagawang entrapment operation sa isang hotel sa Maynila.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Hadji Omar Masiding at Sultan Pundatoon Bagul, na ngayon ay nahaharap sa kasong estafa.

Nabatid na nagpasaklolo sa NBI si Abdulsalam Hadji Harun, tumatakbong alkalde sa Simunil, Tawi Tawi, matapos umano siyang alukin ng mga suspek na tiyak ang kanyang panalo kung magbibigay ng P5 milyon dahil kaya umano nilang manipulahin ang PCOS machines.

Si Harun ay hinihingan umano ng mga suspek ng downpayment na P2.5 milyon at ang balanse ay kukunin matapos ang proklamasyon nito bilang mayor.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., ang mga kandidato lalong-lalo na iyong mga nasa maliliit na munisipalidad ng Mindanao at Visayas na mag-ingat sa naturang raket.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129