KULONG ang isang babae at isang lalaki matapos mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang mga nadakip na sina Esperanza Pugol, 47 at si John Hubert Vallente, 25, kapwa ng Quezon Boulevard St., Sampaloc.
Sa report ni MPD Station 4 Commander Supt. James Afalla sa MPD Headquarters, nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng Paredes St., kanto ng Quezon Boulevard sa nabanggit na lugar.
Nakumpiska ng Station Anti Illegal Drugs sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng shabu.
Nakatakdang kasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165, mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.