NAGDADALAMHATI ang pamilya ng isang DJ na binawian ng buhay dahil sa panganganak.
Kinilala ito na si Irah Vanessa Palencia Gelacio, 29, residente ng Kabacan, North Cotabato at tubong Mâlang, North Cotabato.
Ayon sa impomasyon, nagsilang si Gelacio ng kanyang pangalawang sanggol noong June 24 sa lying-in center ng RHU Kabacan ngunit nakaranas umano ito ng matinding pagdurugo.
Dinala ito sa USM hospital ng kanyang biyenan na si Anita Gelacio ngunit napakaraming dugo na ang nawala sa kanya at ayon sa mga doktor ay nag-shutdown na umano ang kanyang body system.
Isinugod naman ito sa sa Kidapawan Medical Specialist para mabigyan ng ventilation matapos mahirapang huminga.
Dinala na ito sa San Pedro Hospital sa Davao City nang bumaba ang platelets nito at nagkaroon ng infection sa kidney.
Ngunit dahil sa matinding komplikasyon ay binawian din ng buhay si Gelacio.
Si Irah ay isang DJ at broadcast traffic officer ng DXVL FM ng USM, Kabacan, North Cotabato.
The post DJ sa N. Cotabato, patay sa panganganak appeared first on Remate.