Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

ITCZ, patuloy na magpapaulan sa Vis-Min

$
0
0

MABABAWASAN na ang matinding init ng panahon na nararanasan ng bansa dahil sa mga pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Ito’y dahil sa pag-iral ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng Mindanao habang ridge of high pressure area (HPA) naman ang nakaaapekto sa kabuuan ng Luzon.

Dahil dito, makararanas ng maulap na papawirin ang Mindanao na may banayad hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay magiging bahagya hanggang sa magiging maulap na papawirin na may manaka-nakang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Ang temperatura sa Metro Manila ay maglalaro mula 25-34 degree celsius.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Meno Mendoza, dahil sa ITCZ, makaaasa ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Bicol region, Visayas at Mindanao.

Pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog naman ang aasahan sa nalalabing bahagi ng bansa, kasama ang Metro Manila, dahil naman sa Habagat o southwest monsoon.

Nitong alas-4:22 ng umaga lamang nang maglabas ng thunderstorm advisory sa bahagi ng Metro Manila, partikular sa Taguig, Parañaque, Makati at Pasay.

Ngunit pagtiyak ng PAGASA, panandalian lamang ito at hindi na masusundan pa.

Wala pa namang namamataang low pressure area (LPA) sa bansa.

Ngunit posibleng sa weekend, isang sama ng panahon ang mamuo sa Pasipiko at pumasok sa PH area of responsibility (PAR).

The post ITCZ, patuloy na magpapaulan sa Vis-Min appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>