IKINALUNGKOT ng mga miyembro ng 29 Infantry Battalion, Philippine Army, ang pagkamatay ng amasona o babaeng rebelde sa naganap na engkuwentro sa Sitio Kamingawan, Barangay Doña Telesfora, sa bayan ng Tubay, Agusan del Norte.
Ayon kay Lt. Samuel Maglinao, spokesman ng 29-IB, tumagal ng 15 minuto ang bakbakan laban sa mga New People’s Army (NPA) na mula sa Platoon 6 ng Guerilla Front 21, Northeastern Mindanao Regional Committee.
Makaraan ang sagupaan, nakuha sa lugar ang isang cellphone, dalawang black caps, 30-metrong cord, 24 rounds ng mga bala at isang AK-47 rifle, kasama na ang bangkay ng biktima na kinilalang si Rosen Legazpi Sarhento, 32, may tatlong mga anak at residente sa nasabing lugar.
Naganap ang engkwentro matapos nilang respondehan ang naiulat na presensya ng mga rebelde na nangingikil umano ng pera para sa kanilang mga operasyon.
The post Amasona, tigbak sa engkwentro sa Agusan del Norte appeared first on Remate.