PATAY ang dalawang pasahero ng bus matapos pagbabarilin ng holdaper sa Tarlac.
Sa ulat, binabagtas ng Genesis Bus ang daan patungong Baguio ngunit nang makarating ito sa Moncada, Tarlac, nagdeklara ng holdap ang suspek na kinilalang si Reynald Dela Cruz at biglang binaril ang mag-biyenan na sina Carlos Almuete at Jecson Ibañez.
Mula sa bus, bumaba ang suspek sa Barangay San Agustin sa San Manuel, Tarlac at tinangkang kunin ang isang nakaparadang motorsiklo.
Pumalag ang may-ari nito kaya binaril din ito ni Dela Cruz.
Agad namang kinuyog ng mga tao ang suspek.
Naisugod sa ospital ang tatlong biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival sina Almuete at Ibañez habang kritikal pa ang may-ari ng motorsiklo.
Napag-alamang dating security guard at taga-Bangued, Abra ang suspek.
Nakumpiska dito ang ginamit na .9mm na baril at dalawang cellphone na hinihinalang nakaw.
Ihinahanda na ang kasong robbery-holdup with double homicide at frustrated homicide laban dito.
The post Bus sa Tarlac hinoldap, 2 tepok, 1 kritikal appeared first on Remate.