KRITIKAL ang isang babae matapos pagsasaksakin ng ka-live-in na naghihinalang may ibang lalaki ang una sa Caloocan City, Martes ng gabi, Hulyo 1.
Ginagamot sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng mga saksak sa katawan si Maria Santiago, 30, ng Libis Espina St., ng lungsod.
Nadakip naman si Eulalio Villarosa, 36, ng nasabing lugar.
Sa ulat, alas-10:30 ng gabi, nagtatalo ang magka-live-in sa loob ng kanilang bahay dahil naghihinala ang suspek na may ibang lalaki ang biktima.
Makalipas ang ilang sandali ay kumuha ng patalim ang suspek bago pinagtataga ang biktima saka tumakas.
Nahuli ang suspek dahil sa mga tambay na nakakita at nakarinig sa ina ng biktimang humahabol rito habang sumisigaw.
The post Bebot, kritikal sa saksak ng ka-live-in appeared first on Remate.