Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Zamboanga jail inmates, nag-noise barrage vs jail warden

$
0
0

MAHIGIT 1,000 preso ng Zamboanga City Reformatory Center (ZCRC) ang nagkasa ng noise barrage laban sa namumuno ng nasabing piitan na nagsimula kaninang alas-9:00 ng umaga.

Sinabi ng isa sa mga presong ayaw magpakilala, nagdesisyon na silang mag-noise barrage para iparating ang kanilang mensahe na hindi na nila matiis ang paghihigpit na ginagawa sa kanila ng kasalukuyang City Jail Warden na si Jail C/Insp Julius Arro.

Inirereklamo ng mga inmates ang kakulangan sa binibigay na pagkain sa kanila at wala ring sapat na gamot para sa mga nagkakasakit na preso.

Ito na aniya ang naging sitwasyon ng mga inmates ng Zamboanga City jail simula nang maupo si Arro.

Hinihiling ngayon ng mga inmate na mapalitan sa lalong madaling panahon sa kanyang puwesto sa Arro.

Pasado alas-10:00 ng umaga kanina nang bahagyang humupa ang tensyon sa loob ng city jail nang huminto na rin sa pag-iingay ang mga inmates.

Samantala, pinasinungalingan naman ni Arro ang paratang ng mga inmates laban sa kanya.

Nilinaw din nito na handa niyang harapin kung anuman ang magiging resulta ng nangyaring noise barrage kanina.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129