SAMPU katao ang sugatan makaraang sumirkoang kinalulunan nilang pribadong multicab sa Maximo Patalinghug Road, Barangay Pusok, Lapu-Lapu City, Cebu kaninang tanghali.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang driver at may-ari ng multicab na si Hilario Danio, konduktor at ang walong pasahero matapos ang aksidente.
Ayon sa inisyal na ulat, patungong Poblacion Market ng nasabing lungsod ang sasakyan nang bigla na lamang may tumawid sa kalsada na naging dahilan upang aksidenteng maapakan ng driver ang accelerator imbes na ang break na naging dahilan ng pagtaob nito.
Handa naman ang may-ari ng multicab na sagutin ang lahat ng bayarin ng mga nasugatan.