SAN CARLOS, PANGASINAN – Patay ang dalawang magsasaka matapos tamaan ng kidlat sa magkahiwalay na bayan sa Pangasinan noong Martes ng hapon, Hulyo 1.
Unang insidente ay naganap sa bukid ng Barangay Pangluan, San Carlos, Pangasinan kung saan unang namatay si Tito de Vera.
Ayon sa local na police, kasalukuyang nag-aararo si De Vera nang biglang kumidlat at tinamaan ang biktima.
Nasunog ang dibdib at likuran ng biktima na agad nitong ikinamatay.
Ang pangalawang biktima ay si Rocky Villena, ng Barangay Agdao, Malasique, nasabing ring lalawigan.
Habang tinatapos ang pagtatanim ng palay ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at kumidlat na siyang tumama kay Villena.
The post 2 magsasaka todas sa kidlat sa Pangasinan appeared first on Remate.