UMAASA ang pamilya ng hazing victim na makakamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang anak.
Hindi nawawalan ng pag-asa si Aurelio Servando, ama ni Guillo Cesar Servando, na makakamit nila ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak.
Ayon kay Mang Aurelio, tanggap na nila na mabagal ang judicial system sa bansa pero nakahanda umano silang maghintay.
Giit ng matandang Servando, tatanggapin nila saanman humantong ang imbestigasyon at bahala na aniya ang Diyos ang humatol sa mga salarin.
Nakikipag-ugnayan na umano sila sa pamilya ng iba pang hazing victims tungkol sa kaso.
Paliwanag ni Mang Aurelio, hindi nila pinayagang sumali sa anomang fraternity ang kanilang anak dahil batid niya ang peligrong maaaring idulot nito.
The post Pamilya ng hazing victim umaasang makakamit ang hustisya appeared first on Remate.