Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Negosyante tigbak, helper sugatan sa pamamaril sa Caloocan

$
0
0

dead-helper

TODAS ang isang negosyante habang sugatan ang helper nito matapos pasukin at pagbabarilin sa loob ng junkshop Miyerkules ng hapon, July 2, sa Brgy. Tugatog, Malabon City.

Dead-on-the-spot sa pinangyarihan ang biktimang si Dave Clark “Dodong” Cahuyong, 33, ng Block 15, Lot 23, Padas Alley, Brgy. 12, Caloocan City sanhi ng mga tama ng bala ng .9mm pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan din ang helper nitong si Gamiel “Damian” Friolo, 48, stay-in sa # 1002 Dr. Lascano St.,  Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala sa kaliwang braso.

Nagpalabas ng manhunt operation si Malabon Police Chief Sr. Supt. Severino Abad para sa ikaaaresto ng salarin na nakilalang si Salvador Parde alyas ‘Bobby’ ng Santillan St., Brgy. San Jose, Navotas City na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa imbestigasyon nina PO3 Alexander Dela Cruz at PO2 Roldan Angeles, dakong 3:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Butchocoy Junkshop sa # 1002 Dr. Lascano St., ng nasabing barangay.

Nasa loob ng junkshop ang biktima habang hinihintay umano nito ang isang kliyente na bibili ng  makina ng traktora nang pumasok ang suspek.

Dito na walang sabi-sabing pinagbabaril ni Salvador si Cahuyong na agad nitong ikinamatay habang nasugatan naman ang helper nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung ano ang motibo sa krimen.

The post Negosyante tigbak, helper sugatan sa pamamaril sa Caloocan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>