Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Davao 2 ulit inuga ng lindol

$
0
0

INUGA ng dalawang ulit na lindol ang Davao kaninang madaling-araw, Hulyo 3, Huwebes.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang 3.6 magnitude na lindol sa silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental dakong 2:47 ng madaling-araw.

Nabatid sa Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 026 kilometro.

Samantala, kaugnay nito, naramdaman naman ang 3.2 magnitude na lindol sa silangan ng Mati, Davao Oriental dakong 2:41 ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 042 kilometro.

Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa dalawang magkasunod na lindol.

The post Davao 2 ulit inuga ng lindol appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>