PATAY ang dalawang katao makaraang gumuho ang overpass sa lungsod ng Belo Horizonte sa Brazil.
Ang Belo Horizonte ay isa sa mga lungsod na host ng nagpapatuloy na 2014 World Cup.
Maraming sasakyan ang nabagsakan ng overpass na tatlong kilometro mula sa Mineirao Stadium kung saan ginaganap ang mga laro sa World Cup.
Ayon sa mga otoridad, bukod sa mga nasawi, 19 pa ang sugatan sa aksidente.
Hindi malinaw ang sanhi ng pagbagsak ng overpass na isa sa mga bahagi ng network ng bus lanes na plinano ng Brazil para sa World Cup subalit hindi tinapos.
The post 2 patay sa pag-collapse ng overpass sa Brazil appeared first on Remate.