Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

HS stude sa Bulacan pumalag sa karnap, tinodas

$
0
0

ISANG high school student ang namatay kaninang umaga, July 3, makaraang pagbabarilin ng mga karnaper nang hindi ito sumunod sa kagustuhan ng mga suspek sa Sitio Landicho, Brgy. Balasing, Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Edrian Sarmiento, 15, ng Brgy. Balasing at 4th year high school student ng Jesus Lord and Savior Christian College Foundation sa Brgy. Guyong, nasabing lalawigan.

Nabatid na angkas pa ng biktima ang kanyang mga kapatid na sina Edrielle at Carmelli, Grade 9 at 6, kapwa estudyante rin ng nasabing paaralan.

Dead-on-arrival si Sarmiento sa Rogaciano Mercado General Hospital sa nasabing lalawigan sanhi ng tama ng kalibre .45 sa kamay at dibdib.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:40 kaninang umaga habang papasok ang biktima kasama ang kanyang mga kapatid sa eskwelahan.

Sa salaysay ng mga kapatid ng nasawi, habang patungo sila ng eskwelahan ay hinarang sila ng mga kalalakihang sakay ng kotse.

Isa ang lumapit sa kanila at sapilitang kinukuha ang sinasakyan nilang motorsiklo nang hindi ito ibigay ng nakatatandang Sarmiento.

Dahil dito, agad binaril ng suspek si Sarmiento sa kamay at nang hindi pa rin ibigay ay saka na ito pinaputukan sa dibdib na kumitil sa buhay nito.

Maswerte namang hindi binaril ang mga kapatid ni Sarmiento ngunit natangay pa rin ang kanilang motorsiklo.

Patuloy ang isinagawang pagtugis sa suspek na napag-alamang may dalawang kaso na rin ng carnapping sa lugar.

The post HS stude sa Bulacan pumalag sa karnap, tinodas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>