NAG-INIT ang ulo ng isang misis dahilan para tagain ang kanyang mister sa lungsod ng Dagupan dahil sa nawawala nitong pera na mahigit P100,000.
Kinilala ang biktimang si Efren Reyes na isinugod sa pagamutan nang tagain ng kanyang misis na si Josefa Reyes, kapwa residente sa barangay Bonuan Boquig ng lungsod nang pagbintangan kumuha sa pera nitong nagkakalaga ng P108,000.
Nauna rito, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa dahil hinahanap ng ginang ang kanyang pera mula sa mister.
Sinabi ng mister na wala siyang alam sa sinasabing pera ng misis, bagay namang ikinagalit nito.
Dito na kumuha ng itak ang ginang at tinaga ang kanyang asawa na tinamaan sa katawan.
Naisugod sa Region I Medical Center ang mister na kasalukuyang nagpapagaling habang hawak ng mga awtoridad ang suspek.
The post Nawalang P100k, mister tinaga ni misis appeared first on Remate.