NAPATAY ang isang security guard ng Bulacan Provincial Jail makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa Guiguinto, Bulacan.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Bulacan Medical Center ang biktima na kinilalang si Mario dela Cruz dahil sa tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan.
Nabatid sa imbestigasyon na papasok pa lamang ang biktima sa trabaho nang biglang pagbabarilin ng riding-in-tandem sanhi ng pagkamatay nito.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang motibo sa pamamaslang.
The post Sekyu tepok sa rinding-in-tandem sa Bulacan appeared first on Remate.