NAKUWELYUHAN ng awtoridad isang bugaw na magdedeliber ng may 11 sex workers sa kapitan at tripulante na isang Chinese vessel sa Surigao del Norte kaninang madaling-araw, Hulyo 4.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10364 o expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at nakadetine sa CIDG-CARAGA region ang suspek na si Jessie Laila Egoy Montecalbo alyas Andrea Pineda.
Ibinigay naman ang kustodiya sa Department of Social Wefare and Development (DSWD) para isailalim sa counselling ang nga sex workers na sina Josephine Fortun, Marilyn Soriano, Cristy Gonzales, Cecil Sandiago, Janeth Mandabon, Clarence Paje, Licah Dizon, Aileen Sumandol, Maria Fatima Matahum, Mary Grace de Lima at Rhea Muydas na mula pa sa iba’t ibang dako ng Caraga region.
Sinabi ni CIDG-Caraga regional chief Randy Glenn Silvio, nasagip nila dakong 1:25 ng madaling-araw ang mga biktima sa karagatan ng Barangay Cagdianao Claver, Surigao del Norte.
Bago ito, nakatangap sila ng impormasyon na may flesh trading na mangyayari sa isang Chinese vessel na M/V Jin Li na may kargang mineral ores at nakadaong sa naturang lugar.
Tawag ng tungkulin, inilatag ang rescue operation at aktong nahuli si Montecalbo na bitbit ang kanyang mga sex workers para magbenta ng panandaliang aliw sa mga banyaga.
The post Bugaw ng Pinay sex workers sa Chinese vessel, tiklo appeared first on Remate.