SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Dahil sa sobrang selos, isang lalaki ang nagbaril sa sarili matapos niyang sunugin ang kanilang bahay sa Barangay Accao, Bauang, sa nasabing lalawigan.
Kinilala ang lalaking si Salvador Gonzales, 50, ng Barangay Accao, sa nasabing bayan. Siya ang namatay bago dumating ng Ilocos Training Regional ang Medical Center.
Sa report ng Bauang Municipal Police Station, nasa bahay ang biktima ng makabasa siya ng text sa kanyang misis galing sa isang lalaki na kanyang ikinaselos.
Dahil dito, nagwala ito at sinunog ang kanilang bahay na agad namang naapula.
Ayon sa pulisya, ilang saglit pa, nakarinig ng putok ang kanyang misis at noong tiningnan niya ito ay nakahandusay na ang biktima na may hawak na .38 revolver at may tama sa sintido.
Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng mga police sa nasabing insidente.
The post Matapos sunugin ang bahay, mister nagpatiwakal dahil sa selos appeared first on Remate.