BAGUIO CITY- Patay ang isang ambulant vendor matapos bugbugin ng mga miyembro ng Public Order and Safety Division (POSD) sa nasabing bayan kaninang umaga, July 5.
Kinilala ng Baguio City police ang biktimang si Oscar Caranto, nasa tamang gulang, ng Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon, binugbog ng mga POSD ang biktima dahil lamang sa “out of jurisdiction” nito sa kanyang pagbebenta.
Samantala, sinabi ni POSD officer Boromeo Lumiid, kanilang iimbestigahan ang nasabing insidente at sa ngayon ay hinihintay nila ang reklamo ng mga kaanak ng biktima.
The post Kelot, patay sa bugbog sa Baguio appeared first on Remate.