BAUANG, LA UNION – Tanggal sa puwesto ang chief-of-police ng Bauang ng nasabing lalawigan matapos mapatunayang lasenggo ito at panay ang pagpapaputok ng baril.
Kinilala ni Sr. Supt. Ramon Rafael, provincial director ng La union Police Provicial Office (LUPPO), ang hepe ng police na si Chief Insp. George Dipalog, Jr.
Sa imbestigasyon, si Dipalog ay palaging lasing at panay ang paputok niya ng kanyang service firearms sa puwing siya ay nalalasing.
Hindi umano alam ng mga kapulisan ng Bauang na natanggal na si Dipalog sa kanyang pwesto.
Sinabi ni Rafael, na si Chief Inspector Bejamin Diagan, deputy chief of police ng San Fernando City ang siyang pumalit kay Dipalog bilang hepe ng police ng Bauang.
The post Hepe sa La Union, sibak sa pagpapaputok ng baril appeared first on Remate.